-- Advertisements --

Ibinunyag ng Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG Fund) na nakapaglabas sila ng mahigit P100-B na home loan sa kanilang miyembro sa kabila ng nararanasang COVID-19 pandemic.

Ayon sa PAG-IBIG fund na mayroong P97.92 bilyon na loan ang kanilang nailbas.

Mayroong ding P3.5 bilyon ang inlabas sa mga loans para sa pagpapagawa ng bahay at pagsasaayos nito.

Sa kabuuan aniya ay aabot na sa P100.8 bilyon ang nailabas.

Ito na ang pinakamalaking halaga na nailabas ng ahensiya sa loob ng isang taon.