-- Advertisements --

NAGA CITY- Kumpiskado ang labi P100-K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad kontra sa isang drug personality sa Gumaca, Quezon.

Kinilala ang suspek na si alyas Bunganga, 52-anyos, residente ng Brgy. Camohaguin, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na nakuha sa posisyon ng suspek ang 11 piraso ng heat- sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu kasabay nang isinagawang search and seizure ng mga kapulisan sa bahay nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad nabatid na ang nasabing iligal na droga ang mayroong bigat na umaabot sa 5.1 grams at nagkakahalaga ng nasa P104,040.

Sa ngayon, nasa kostodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan.