-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasa mahigit P100,000 ang halaga ng pinaniniwalaang shabu na nasabat mula sa tatlong suspek sa Lucena City.

Kinilala ang mag suspek na sina Cirilo Trinidad, 60; Angelo Aniban, 56; asin Meynard Adarna, 29.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office napag-alaman na nasa 19 na pirasong sachet ng pinaniniwalaang shabu ang narekober sa naturang mga suspek.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nasa 6.08 grams ang kabuuang timbang kung saan nasa P124,032 ang kabuuang halaga nito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa mga ito.