-- Advertisements --

NAGA CITY – Nasa P150,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasabat ng mga otoridad mula sa 18-anyos na suspek sa Naga City.

Kinilala ang suspek na si Paul Alarcos, residente ng Brgy. Peñafrancia sa naturang lungsod.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office (NCPO), napag-alaman na nasa mahigit-kumulang 50 grams ng pinaniniwalaang shabu ang narekober ng mga otoridad.

Sa inisyal na imbestigasyon, nabatid na kasama sa City Recalibrated Database on Illegal Drugs si Alarcos.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon hinggil sa naturang insidente habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatang disposisyon.