-- Advertisements --
Nasa mahigit P100 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang magkasunod na anti-drug operations sa Quezon City.
Unang nakuha ang mahigit 15 kilos ng droga sa bahagi ng Quezon Memorical Circle nitong nakalipas na Martes ng gabi.
Nakuha rin ang mahigit 10 kilos ng shabu sa isang Chinese at dalawa pang kasamahan nito sa Santa Catalina St. sa Brgy. Sienna.
Inihahanda na ng mga otoridad ang kaso laban sa mga suspek.