COTABATO CITY — Sa pinagsanib na pwersa ng mga operatiba ng PDEA sa lalawigan ng Tawi Tawi kasama ang Coast Guard, Bangsamoro Port Management Authority PMO Bongao, kapulisan maritima at 5th Regional Mobile Force Batallion (Basulta), nasakote ang suspek na nagtangkang magpasok ng labinlimang gramo ng shabu sa naging K9 inspection sa binisidad ng Puerto ng Poblacion, bayan ng Bongao sa Tawi Tawi kahapon.
Kinilala ang nasakote na si Farhaziz Mohamad Ombra Sali, 32 anyos, nagtatrabaho bilang construction worker at residrnte ng Barangay Pagasa Bongao at Barangay Sapa Tandubas sa kaparehong lalawigan.
Makailang beses na din nahuli ang suspek at nagkaroon ng record dahil sa kaparehas na mga kaso.
Nasabat sa kanya ang limang piraso ng heat sealed transparent plastic na sacher at tatlumput anim na piraso ng assorted colored plastics na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa labinlimang gramo na nagkakahalaga ng P102,000 at isang black na slingbag.
Nasa kostodiya na ng Bongao MPS ang suspek habang inaantay ang kauukulang inquest proceedings nito sa paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.