-- Advertisements --

BOMBO NAGA- Mahigit sa P122,000 na halaga ng droga ang narekober sa 3-suspek sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Kalangay, Lucban, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Arnel Placino , 55-anyos, Ryan Obmerga, 35-anyos at Melba Enriquez, 44-anyos, kapwa residente ng Lucban sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na naaresto ang mga suspek matapos na makabili ang nag-aktong pulis bilang posuer buyer ng isang pirasong heatsealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nakuha sa kamay ni Placino ang isang pirasong heatsealed transparent plasctic sachet ng pinaniniwalaang shabu at isang pirasong converted caliber 22 riffle na kargado ng isang bala.

Narekober naman kay Obmerga ang dalawang pirasong heatsealed transparent plasctic sachet ng nasabing ilegal na droga.

Samantala, tinatayang may bigat na 6.0 grams ang nakumpiskang pinagbabawal na gamot at nagkakahalaga ng P122,400.

Sa ngayon , nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.