-- Advertisements --
Tupad C

Naglaan ang Department of Budget and Managment (DBM) ng mahigit P12 billion na pondo para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers’ (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa ilalim ng panukalang 2024 national budget.

Inaasahang nasa mahigit 1.358 million displaced, underemployed at seasonal workers naman ang makikinabang sa naturang panukalang pondo para sa programa.

Sa ilalim ng programa, nagbibigay ang DOLE ng trabaho para sa mga Pilipino sa loob ng 10 araw bilang minimum hanggang 90 araw bilang maximum depende sa trabahong ibibigay.

Lahat ng mga disadvantaged workers edad 18 pataas ay kwalipikado na maging benepisyaryo ng programa gayundin ang mga senior citizen basta’t kaya pa nilang magtrabaho at hindi masasalang sa mapanganib na trabaho.

Samantala, isang miyembro lamang ng bawat pamilya ang maaaring mapasama sa naturang programa sa isang calendar year maliban na lamang kung magkaroon ng mga kalamidad o sakuna.

Ang TUPAD program ay ang community-based package assistance ng DOLE na nagkakaloob ng emergency employment.