NAGA CITY – Mahigit P13 milyon na halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang suspek sa isang buy-bust operation sa Barangay Gulang-Gulang, Lucena City.
Kinilala ang mga suspek na sina Mark James Cerdan, 27 at Toshimaru Dano, 29, kapwa residente ng nasabing lugar.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na naaresto an dalawang suspek matapos na makabili ang nagpanggap na posuer buyer ng paniniwalaang shabu gamit ang P11,000 na buy-bust money.
Samantala, narekober naman sa isinagawang operasyon ang 17 pirasong heatsealed transparent plastic sachet ng nasabing droga na may timbang na 640.5 na gramo at nagkakahalaga ng P13,066,200.
Kaugnay nito, napag-alaman na itinuturing na High Valued Target si Cerdan ng nasabing himpilan habang newly identified drug personality naman si Dano.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang disposisyon.