-- Advertisements --

BUTUAN CITY -Aabot sa P13,458,384.47 na halaga nang nadesisyunan na sa korte na mga illegal na droga ang sinunog sa Richmond Plywood Corporation sa pangunguna ng mga personahe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga.

Kinabibilangan ito ng halos dos-kilos na shabu at mahigit 102-gramo ng marijuana na nakumpiska sa inilunsad na mga anti-illegal drugs operation dito sa Butuan City, at mga kalapit na lalawigan nitong rehiyon.

Napag-alamang ito na ang pangatlong pagsira ng mga illegal na druga na ginawa ng PDEA, mula sa mga nakumpiska nila ug nahatulan na ng korte.