Nakatakdang ibalik ng Manila Electric Cooperative (Meralco) ang kabuuang P19 billion sa mga power consumer na sinusuplyan nito.
Ang P19 billion na ito ay sumasaklaw sa diperensiya sa pagitan ng actual weighted average tariff ng naturang kumpaniya at ang naaprubahang rate na P1.36 per kWh mula July 2022 hanggang December 2024.
Sa ilalim ng refund proposal ng Meralco, mababawasan ng 19 centavos per kWh ang rate para sa mga residential customer mula sa kasalukuyang rate na P11.7428 per kWh.
Ang naturang proposal ay kailangan pang apprubahan ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Maaari rin itong i-modify ng komisyon.
Una nang ipinag-utos ng ERC sa Meralco na i-refund ang mga gastusing nakapaloob sa regulatory rate reset process, tulad ng pagkuha sa mga technical expert.
Ang naturang kautusan ay inilabas lamang nitong December 2025.