Nakumpiska ng Bureau of Customs (BuCor) ang mahigit P2.65 million halaga ng cocaine at iba pang iligal na droga sa isang bodega sa Taguig city.
Nasabat ang nasa 500 gramo ng suspected cocaine, iba’t ibang klase ng e-cigarettes o vape cartridges na naglalaman ng hinihinalang marijuana oil at mahigit kumulang 30 gramo ng hinihinalang kush o hybrid marijuana at iba pang paraphernalia.
Ang mga nakalap na ebidensiya ay nakatakdang iturn-over sa Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) Laboratory Service para sa qualitative at quantitative examination at para sa paghahain ng kaukualng kaso.
Ang isinagawang raid ng BOC ay may kaugnayan sa joint operation ng bureau kasama ang National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at Armed Forces of the Philippines sa Ayala Alabang Village sa Muntinlupa city noong nakalipas na linggo kung saan nasabat ang nasa P149.6 million halaga ng shabu.