Nakahandang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasa mahigit P2 bilyong halaga ng tulong para sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Kanlaon.
Sa isang pulong blitaan, sinabi ni DSWD ASec. for Disaster Response Management Group Irene Dumlao na kasama dito ang P92.2 million sa standby funds na nasa central at regional offices at mahigit P1.1 billion na family food packs at mahigit P891 million non-food items at karagdagang food items.
Sa datos ngayong Sabado, nakapagpamahagi na ang DSWD ng mahigit P14.7 million na humanitarian assistance para sa mga apektadong residente.
Naapektuhan sa pagsabog ng bulkan ang nasa mahigit 10,000 pamilya o katumbas ng 42,000 indibidwal sa 25 barangay sa Region 6 at 7 kung saan mayroon pang mahigit 15,000 ang nananatili sa mga evacuation center.
Samantala, nakabantay naman ang Department of Health sa lagay ng kalusugn ng mga residenteng apektado at tinutugan ang posibleng mga sakit na maaaring makuha mula sa pagsabog ng bulkan.