-- Advertisements --
image 278

Pinangunahan ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagdinig ng Finance Subcommittee G kaugnay sa proposed 2023 budget ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagkakahalaga ng P20.304 billion.

Sinabi ni DFA Sec. Enrique Manalo na ang kanilang proposed budget ay katumbas ng 0.39 percent ng proposed 2023 national budget na P5.268-trillion.

Samantala, dumalo na si dating Sandiganbayan Associate Justice Alex Quiroz at ngayon ay chairperson ng Governance Commission for Government-Owned and Controlled Corporations (GCG), sa Finance Subcommittee hearing kaugnay sa kanilang 2023 proposed budget. Nasa P245.7-million ang hinihiling na budget ng GCG para sa susunod na taon.