-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa 202,500,000-pisos ang danyos sa mga paaralan sa buong Caraga Region na nasira matapos yanigin ng magnitude 7.4 na lindol nitong Sabado ng gabi.

Ayon kay Peter Tecson, tagapagsalita ng Department of Education o DepEd-Caraga, umaabot sa 75 mga classrooms sa buong rehiyon ang totally damaged maliban pa sa mga naitalang minor at major damages.

Aminado ang opisyal na posibleng ma-delay pa ang muling pagpapatayo ng mga bagong classrooms bilang kapalit ng mga totally damaged na.

Habang kaagad namang gagawin ang pagre-repair sa mga may mga minor at major damages.

Sa ngayon ay ang in-person classes na lamang ang sinuspinde sa mga paaralang may malaking danyos ngunit patuloy naman ang kanilang modular learning.