Nasamsam ng mga awtoridad ang P23.62 bilyon na halaga ng narcotics sa buong bansa mula nang magsimula ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.,
Sa pinakahuling datos ng PDEA, 61,269 na suspek ang naaresto, kabilang ang 4,174 high-value target (HVTs), sa 44,338 anti-illegal drugs operations mula Hulyo 1, 2022 hanggang Setyembre 30 ngayong taon.
Ang kabuuang halaga ng nasamsam na narcotics ay kinabibilangan ng higit sa 3,000 kg. ng shabu, 25.78 kg. ng cocaine, 43,940 ecstasy tablets at 2,793.93 kg. ng marijuana.
Binaklas din ng mga awtoridad ang 683 drug den at isang clandestine shabu laboratory sa parehong panahon.
Sinabi ng PDEA na hindi bababa sa 27,748 sa 42,046 na barangay ang idineklarang drug-cleared habang 7,785 pa rin ang apektado ng droga.
Una rito, ang mga barangay na may drug-cleared status ay binigyan ng certification ng mga miyembro ng oversight committee sa barangay drug-clearing program.
Nangangako ang PDEA na kanilang gagawin ang lahat upang masugpo at mapanagot ang mga indibidwal na nangunguna sa pagsasagawa ng illegal acitivities partikular na ang may kaugnayan sa ilegal na droga.