Nasa Php23.4 billion pa na halaga ng COVID-19 allowance claims Para sa mga healthcare workers ang hindi pa nababayaran hanggang ngayon ayon sa Department of Health.
Batay sa datos na inilabas ng naturang kagawaran, ang naturang halaga ay bilang pambayad Para sa 4.3 million claims ng mga healthcare workers na nag serbisyo noong panahon ng pagtama ng COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon sa DOH, nakatanggap ng Php91-billion na halaga ang kanilang kagawaran mula sa Department of Budget and Management Para sa pagbabayad ng public health emergency benefits at allowances, maging ng kanilang COVID sickness, at death compensation mula noong Hulyo 1, 2021 hanggang Hulyo 20, 2023.
Bukod dito ay nakalaan din ito Para sa pagbabayad ng special risk allowance and meals, gayundin sa accommodation at transportation benefits ng mga healthcare workers mula noong Pebrero 1, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.
Sa ngayon ay nagpapatuloy na ang ginagawang pakikipagtulungan ng Centers for Health Development sa mga private at local government unit-owned ng mga ospital at health facilities para makumpleto ang documentary requirements Para sa matanggap ng mga manggagawa ang kanilang benefits at allowances.
Kung maaalala, una nang tiniyak ng DOH na maglalabas ito ng pondo sa oras na makapag-comply na ang mga private at government hospitals sa batas na nangangailangan ng MOA at liquidation.