Umaabot sa kabuuang P253.378 billion ang inilaang pondo ng Department of Budget and Management(DBM) para magamit bilang cash assistance o mas kilala bilang ‘ayuda’.
Ito ay nakapaloob sa panukalang budget para sa 2025.
Ayon sa DBM, pokus nito ang implementasyon ng mga economic and social transformations programs ng Marcos administration na nakapaloob sa ilalim ng Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Saklaw na nito ang iba’t ibang mga programa tulad ng mga sumusunod:
Rice Farmers Assistance program and Fuel Assistance to Farmers and Fisherfolk ng Department of Agriculture; Cancer Assistance Fund, Medical Assistance to Indigent and Financially-Incapacitated Patients ng Department of Health; Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged Workers Program ng Department of Labor and Employment; Ayuda sa Kapos Ang Kita Program at Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng Department of Social Welfare and Development, atbpa.
Ayon sa DBM, ang paglalaan ng malaking pondo bilang ayuda sa mga kawalipikadong benepisyaryo ay paraan ng kasalukuyang administrasyon upang mai-angat ang kalidad ng buhay ng mga ito.
Sa kasalukuyang taon, naglaan ang pamahalaan ng P318.5 billion.