-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mahigit sa P2B halaga sa giant clams ang nakumpiska sa operisyon ng National Bureau of Investigation, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Philippine Coastguard kasama ang pulisya sa isang compound sa Barangay Bawing nitong lungsod.

Pagtantiya ni NBI Assistant Regional Director Excel Hernandez, na nasa 120,000 tonelada ng giant clams ang nakumpiska.

Kinonsidera ng BFAR na endangered specie ang nasabing mga clams dahil bawal itong kunin sa kanilang habitat.

Ayon kay Barangay Bawing Kapitan Rey Benitez na isang taon ng tinambak ang nasabing clams sa nasabing lugar subalit ang pagkakaalam nito hindi sa dagat kinukuha ang malalaking clams dahil sa kabundukan umano ito galing.

Dagdag pa nito na binibili ito ng P5,000 bawat kilo dahil ginagamit ito sa paggawa ng alahas kagaya ng perlas at ang engridients sa paggawa ng cosmetics products.

Nalaman na pahg-aari ni Abubakar Palalisan ang lugar kung saan tinambak ang mga giant clams.