-- Advertisements --
VIGAN CITY – Aabot sa P3,880,000 ang halaga ng nakuhang fully grown marijuana sa naisagawang anti-illegal drug operation sa pagitan ng Sitio Culiang, Brgy. Tacadang, Kibungan, Benguet at Sitio Nagawa, Brgy. Caoayan, Sugpon, Ilocos Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan ken ni PLt. Godofredo Ribuyaco ng Sugpon Municipal Police Station, tagumpay ang isinagawang marijuana eradication sa nasabing lugar kung saan nabunot ang humigit-kumulang 19,400 na piraso ng fully grown marijuana mula sa apat na cultivating site.
Aniya, hindi sila agad nakarating sa nasabing lugar dahil maulan noong paakyat sila sa bundok kaya pinatila muna nila ang ulan bago itinuloy ang pagpunta sa nasabing lugar.
Gayunman, walang cultivator ang nahuli sa nasabing operasyon.