NAGA CITY-Nakumpiska ang lampas tatlong milyong halaga ng ilegal na droga sa Lucena City, Quezon.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Jan-Jan, 29 anyos, residente ng Brgy Ibabang Dupay, Lucena City, at si alyas Dennis, 49 anyos, residente ng Brgy. Cotta, ng kaparehong lungsod.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na inaresto aniya ang mga suspek pagkatapos na makabili dito ang poseur-buyer ng mga awtoridad ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu.
Nang kinapkapan ang mga suspek, nakuha pa rito ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic bag na mayroong pinaniniwalaang ilegal na droga.
May kabuuan naman aniya na bigat na 156 grams ang nakumpiskang pinaniniwalaang ilegal na shabu at nagkakahalaga ng ₱3,366,000.
Sa ngayon, dinala na ang mga suspek sa Lucena City Police Station para sa karampatang disposisyon.
Lampas tatlong milyong halaga ng ilegal na droga, nakumpiska sa Lucena City, Quezon