![cropped Palay rice farm farmers harvest 5](https://xrc.bomboradyo.com/newscenter/2019/09/cropped-Palay-rice-farm-farmers-harvest-5.jpg)
Hindi bababa sa P30 billion halaga ng bigas, manok, baboy, at sibuyas ang naipuslit sa bansa noong 2022, ayon yan sa grupong Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG)
Sa ilalim ng Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016, ang parusa sa large-scale smuggling o economic sabotage ay habambuhay na pagkakakulong at multang doble ng halaga ng smuggled na produkto.
Mula noong 2018, sinabi ng Bureau of Customs (BOC) na nakapagsampa na sila ng 179 na kaso ng smuggling.
Kabilang na rin ang kabuuang bilang na 142 para naman sa large-scale smuggling.
Dagdag ng nasabing kawanihan na kamakailan lamang ay nakumpiska nito ang P2.7 billion na halaga ng mga smuggled agricultural products.
Una na rito, ilang panukalang batas na ang inihain sa Senado para palakasin ang anti-agricultural smuggling act ngunit talagang talamak pa din ang illegal na kalakalan ng produktong pang-agrikultura sa ating bansa.