-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Aabot sa mahigit Php31,000,000 ang halaga ng mga nasansam na illegal na droga ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 sa first quarter ngayong taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Louela Tomas, Information Officer ng PDEA region 2 na ang kanilang First Quarter accomplishment sa pakikipagtulungan ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ay mayroon na silang 239 anti drug operations

Umaabot din sa 81.57 grams na shabu ang kanilang nasamsam bukod sa 267.08 grams ng Marijuana.

Aabot din anya 21,600 pieces na fully grown marijuana ang kanilang nasamsam mula Enero hanggang Marso, 2021.5.5

Sa kabuoan ay aabot sa halagang Php31,216,732 ang mga nasamsam ng PDEA region 2.

Sinabi pa ni Tomas na ito ay bukod sa kanilang total operation operation sa pag-aresto sa high value target noong buwan ng Abril na labing dalawang habang ang kanilang number of arrest na siyamnaput isa at aabot din anya sa walumput tatlo ang number of operation.

Ayon pa kay Tomas ang kanilang ginagawang hakbang ay upang ma-curve ang suliranin sa illegal na droga at para mapigilan ang paglaganap ng droga.