Nasamsam ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang humigit-kumulang 25 kilo ng umano’y “shabu” (crystal meth) na nagkakahalaga ng P30 milyon sa anti-illegal drugs operatio sa kalapit na bayan ng Mexico, Pampanga.
Sinabi ni Mexico Police Chief Lieutenant Colonel Joy Gollayan na ang operasyon ay pinangunahan ng PDEA Special Enforcement Service mula sa Maynila.
Sinabi ni Gollayan na ang lokal na pulisya ay may limitadong impormasyon tungkol sa operasyon, dahil sila ay iniimbitahan lamang upang saksihan ang imbentaryo at mga marka ng mga nasamsam na ilegal na sangkap.
Ayon sa opisyal, 25 teabags na kung saan ang bawat isa ay naglalaman ng isang kilo ng hinihinalang shabu, na natagpuan sa loob ng isang abandonadong sasakyan ay minarkahan ng mga ahente ng PDEA.
Dagdag dito, isinagawa ang operasyon katuwang ang PDEA Central Luzon at PDEA Pampanga.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang mapanagot ang tunay na nagmamay-ari ng naturang iligal na aktibidad.