-- Advertisements --
Humihiling ang Department of Transportation ng P300 million na pondo para sa pagtatayo ng bagong sheltered port sa Pag-asa Islands sa West Philippine Sea.
Ang naturang budget ay nakapaloob sa hinihiling ng ahensiya na pondo para sa 2025 sa ilalim ng Maritime Infrastructure Program.
Ang Pag-asa Islands ay may layong 518 km sa kanlurang bahagi ng Puerto Princesa City, Palawan. Mayroon itong lawak na 37.2 hectares.
Sa kasalukuyan ay gumugulong na rin ang pagpapalawak sa 1.3 km runway sa airport nito upang ma-accommodate ang mga mas malalaking aircraft.