Nakatakdang simulan sa 2025 hanggang 2029 ng Department of Education (DepEd) ang implementasyon ng mahigit P30 bilyong halaga ng proyekto para maayos ang mga eskwelahang matinding napinsala bunsod ng mga kalamidad noong 2019 hanggang 2023.
Ayon sa DepEd, ang Infrastructure for Safer and Resilient Schools (ISRS) Project ay isang mahalagang parte ng MATATAG agenda ni VIce President at Education Sec. Sara Duterte.
Una na ngang inaprubahan ng NEDA na pinamumunuan ni PBBM nitong Miyerkules ang multi-bilyong peso na proyekto para sa rehabilitasyon at muling konstrukisyon ng mga paaralan sa labas ng Metro Manila.
Inaasahan na magbebenepisyo sa naturang proyekto ang 4,756 na gusali ng mga paaralan, 13,101 silid aralan at 741,038 mag-aaral sa 1,282 target school beneficiaries.