Iniulat ng Department of Agriculture na pumalo na sa P350.85 million ang inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa pananalasa ng nagdaang bagyong Enteng.
Bunsod nito, naapektuhan ang 13,623 magsasaka at mangingisda base sa initial assessment ng regional field offices partikular na sa Bicol.
Tinatayang nasa 14,814 metrikong tonelada naman mula sa mahigit 8,000 ektarya ng mga sakahan ang lawak ng production loss.
Pinakamatinding naapektuhan ng bagyo ang mga palayan na nakapagtala ng P333.08 million halaga ng danyos.
Sa maisan naman nasa P14.01 million habang sa high-value crops ay nasa P3.76 million.
Nagsasagawa na rin ng mga kaukulang hakbang ang ahensiya para mahatiran ng tulong ang mga naapektuhang magsasaka. Nakahanda na rin ang Philippine Crop Insurance Corp. para mabayaran ang danyos sa mga insured na apektadong magsasaka