-- Advertisements --

Aabot sa mahigit P4-milyon halaga ng ecstacy drugs ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isang parcel sa lungsod ng Pasay.

Ang nasabing 2,437 tablets ng ecstacy party drugs ay nakumpiska sa Central Mail Exchange Center ng Pasay.

Nasita lamang ang droga nang siyasating mabuti ang mga parcel at dito tumambad ang mga droga.

Nanggaling umano ang droga sa The Netherlands at ang mga consignee ay naka-address sa Quezon City, Las Pinas at Bulacan.

Inaalam na ng mga otoridad ang mga suspek na nasa likod ng nasabing pagpupuslit ng iligal na droga.