GENERAL SANTOS CITY – Aabot sa 47 na dating mga miyembro ng New People’s Army (NPA) mula sa Soccsksargen area ang nakatanggap ng mahigit sa P4-milyong halaga ng livelihood at cash na ipinamigay sa pamamagitan ng reintegration program.
Ayon kay South Cotabato Gov. Reynaldo Tamayo Jr., bawat isang mga returnee ay nakatanggap ng tig-P65,000 na support packages sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).
Dagdag ni Tamayo, ang P50,000 ay mula sa E-CLIP habang may karagdagang P15,000 na initial cash.
Sa isang seremonya na ginawa sa cultural center ng probinsiya, namigay ang pulisya at militar ng P21,000 sa bawat dating rebelde.
Nilalakad na rin umano ang hospitalization at education program para sa mga dati rebeldi at isusunod din ang libreng dialysis.
Nitong nagdaang linggo ay naitala ang sunod-sunod ang pagsurender sa mga miyembro ng FC 73.