-- Advertisements --

Sa kulungan ang bagsak ng isang indibidwal matapos makumpiska ang 6 na kilo ng hinihinalang shabu sa isinagawang buybust operation kagabi ng PNP Regional Drug Enforcement Unit 7 sa Sitio Arko Ali, Brgy. Labangon nitong lungsod ng Cebu.

Nakilala ang naaresto na si Joey Iñego, alyas Jojo, 36 anyos, na tubong Sibulan Negros Oriental.

Nakumpiska mula sa kanyang posisyon ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P40.8 million pesos.

Nabatid na kabilang si Iñego sa Top 10 priority list bilang regional level high value individual.

Sa imbestigasyon ng pulisya, sinasabing big time drug pusher ang suspek kung saan siya ang nagmanage sa suplay ng droga mula sa isang preso sa New Bilibid prison.

Makapagdispose pa umano ito ng 7 kilo ng shabu kada linggo sa buong Negros Oriental at sa Metro Cebu.

May pangalan na umano ang pulisya sa mga downline nito at kanila namang target sa mga follow-up operations.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang naarestong suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.