-- Advertisements --

NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit P400,000 ang halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa isang drug suspect sa Zone 2 P. Santos Sta Cruz, Naga City.

Kinilala ang suspek na si Erwin Princesa, 41-anyos, residente ng Vilmar Homes, Barangay Calaug sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na nabili ng nagpanggap na poseur buyer sa suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu sa halagang P5,000.

Maliban sa mga nabiling drug item, nakuha pa sa suspek ang limang pakete ng pinagbabawal na gamot na hindi bababa sa 60 grams at nagkakahalaga ng humigit kumulang P408,000.00.

Agad naman na naaresto ang suspek at posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.