-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Mahigit sa dalawang porsyento na lamang ng Circumferential Road Project ng lungsod ng Kidapawan ang kailangang tapusin ng City Engineering Office (CEO).

Ito ay base sa report ng CEO na siyang nangangasiwa sa proyekto.

Mapapaluwag ng proyektong ito ang daloy ng trapiko sa lungsod lalo na at magsisilbing daanan ito ng malalaking sasakyan gaya ng bus at mga truck na nagkakarga ng iba’t-ibang produkto papasok at labas ng lungsod.

Kaugnay nito, 97.44% na ng concreting project ng bahagi ng daan sa may panulukan ng Circumferential Road – Ninoy Aquino Extension (Kidapawan – Calunasan M’lang – Purslane Section) ang natapos na bahagi ng proyekto.

Ang overflow na lang malapit sa De Llanderal Subdivision ng Barangay Magsaysay at bahagi ng daan sa Purslance Section na malapit sa Sinsuat Extension ng Barangay Poblacion ang tinatapos na ng city government sa kasalukuyan.

Samantala, 100% na ang completion ng road concreting sa bahagi naman ng Ninoy Aquino road na papasok ng City Overland Terminal.

Tiniyak naman ni City Mayor Joseph Evangelista na maipapatupad at matatapos ang proyekto sa kabila ng COVID-19 pandemic at nakaraang 2019 earthquake na nagresulta sa pagkakabinbin ng maraming proyekto ng lokal na pamahalaan.

Nagkakalaga ng mahigit sa P40 million ang tatlong kilometrong Ninoy Aquino Road Concreting and Development Project na pinondohan ng 20% Economic Development Fund ng city government.