-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY- Mahigit sa P44-milyong na halaga ng ipinagbabawal na droga ang sinunog ng mga personahe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-10).

Mismo si PDEA Region 10 Dir. Wilkins Villanueva ang nanguna sa pagsunog ng mga illegal drugs na sinaksihan ng mga kasapi ng tri-media sa loob ng Holcim Cement Plant sa bayan ng Lugait, Misamis Oriental.

Kinabibilangan ito ng mahigit apat na kilong drugang shabu, 39 kilograms ng marijuana at mga ecstacy pills.

Ang naturang mga druga ay nakompiskar ng PDEA at PNP sa kanilang mga anti-illegal drug operations sa bu-ong rehiyon alinsunod sa ‘war on drugs’ ng Duterte administration.

Sinabi ni Dir. Villanueva sa Bombo Radyo na kanila itong ginawa upang patunayan na walang ‘illegal drugs recycling’ na nangyayari sa rehiyon 10.

Dagdag ng opisyal ng marami pang druga ang kanilang susunugin sa susunod na taon, oras na madedesisyonan na ng korte ang mga kasong kanilang isinampa laban sa mga suspected drug trafficker at pushers na kanilang nahuli sa mga operasyon.