Aabot sa mahigit Php485-million na halaga ng mga bagong kagamitan, armas, at sasakyan ng Philippine National Police ang ipinresenta ngayong araw sa Kampo Crame, Quezon City.
Sa pangunguna ni PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., ay binasbasan ang naturang mga bagong kagamitan ng Pambansang Pulisya na kinabibilangan ng mga sumusunod:
- 3,243 units ng striker fired 9mm pistol
- 2,648 units ng tactical vest
- 406 units ng auto generated night vision
- 143 units ng 4X2 patrol jeeps
- 11 units ng light motorcycle 159cc
- 5 units ng Heavy motorcycle 650cc
- 8,105 bagong raincoat at marami pang iba.
Sa datos na inilabas ng PNP, ang naturang mga bagong kagamitan ay may katumbas na kabuuang halaga na Php485,434,420.67.
Ayon kay PNP Chief Acorda, ang mga ito ay nakatakdang ipadala sa mga Police Regional Offices sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Samantala, bukod dito ay nakatakda ring makatanggap ang Pambansang Pulisya ng nasa 22,000 na mga body-worn cameras para sa mga pulis.
Sabi ni Gen. Acorda, naniniwala siyang makakatulong ang mga bagong kagamitan na ito sa kapulisan na panatilihin ang natamo nitong tagumpay pagdating sa usapin at kanilang pagpapatupad ng peace and order at law enforcement operations sa ating bansa.