Masobra sa kalahating milyong pesos na pera, natangay ng holdaper sa isang negosyante sa bayan ng Pontevedra; isa sa mga
Unread post by bomboroxas » Mon Jun 19, 2023 5:05 pm
ROXAS CITY – Natangay ng holdaper ang perang nagkakahalaga ng mahigit limang daang libong piso, sa nangyaring panghohold-up sa isang negosyante sa Barangay Tacas, Pontevedra, Capiz.
Sa panayam ng Bombo Radyo sa Deputy Chief ng Pontevedra Municipal Police Station na si Police Captain Rian Ampoyos, kinilala nito ang biktima na si Jesus Melchor Estolano, may negosyong buy and sell ng sugpo at hipon sa nasabing bayan.
Habang ang mga holdaper ay kinilalang sina Jet Dela Torre, apatnapo’t limang taong gulang, residente ng nasabing bayan at Rene Liboon ng bayan ng Dumarao.
Ba-se sa imbestigasyon ng mga kapulisan, inireport ng biktima ang nangyaring panunutok sa kanya ng baril at pagdeklara ng hold-up ng mga suspek.
Agad namang hinabol ng mga kapulisan ang mga suspek at sinabing nanlaban pa ang mga ito, dahilang nabaril si Dela Torre sa kanyang kamay.
Agad itong hinuli ng otoridad, samantalang nakatakas ang kasama nitong si Liboon.
Narekober sa nahuling suspek ang 38 revolver na may mga bala, at nakita naman sa daan ang sinakyan na motorsiklo at pambatang bag na naglalaman ng isang .45 kalibre na baril na loaded ng mga bala na pinaniniwalaang itinapon ng suspek.
Sa ngayon, patuloy ang paghahanap ng mga kapulisan sa nakatakas na si Liboon at ng posible iba pang kasamahan nito.