NAGA CITY- Umabot sa halos P800,000 ang pinsalang iniwan matapos natupok ng apoy ang bahay ng mag-asawang pulis sa San Felipe, Naga City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay FC/Insp. Emmanuel Ricafort, Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Naga, sinabi nitong napabayaan ng katulong ang niluluto nitong pagkain kagabi na pinagmulan ng apoy.
Ayon kay Ricafort, malaki na ang sunog nang dumating ang mga tauhan ng BFP-Naga at tumagal pa ng halos mahigit sa 30 minuto bago tuluyang nakontrol ang sunog.
Nabatid na pagmamay-ari ni Police Master Sgt. Arvin de Neros ang naturang bahay.
Aniya, wala namang nasaktan dahil agad namang nailabas ng katurang katulong ang tatlong anak ni De Neros.
Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang isidente.