-- Advertisements --

Umabot sa kabuuang P518,480,814.39 na halaga ng mga ari-arian ng mga itinuturing na illegal drugs personalities ang nagawang maisailalim sa freeze order mula nang umupo si Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

Batay sa datus ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), mahigit P514 million na halaga ng mga lupa, sasakyan, at mga bank account ang napigilang magamit ng mga drug personalities o ‘na-preserve’ habang mahigit apat na milyong halaga ng lupa, sasakyan, at mga baril din na-forfeit, pabor sa pamahalaan.

Ang lahat ng mga ito ay pinaniniwalaang mula sa mga drug protector, drug money launderer, at iba pang nasasangkot sa iba’t-ibang uri ng illegal drugs transaction.

Ilan sa mga properties ay subject ng 28 money laundering cases na inilapit ng PDEA sa Anti-Money Laundering Council par sa financial investigation.

Mahigit 40 kaso na kinauugnayan ng mga frozen account ay naihain na sa Department of Justice (DOJ).

Ayon sa PDEA, bahagi ng kanilang kampaniya ay hindi lamang mahuli at maaresto ang mga drug personalities, at mapigilan ang kalakalan at paggamit ng iligal na droga sa buong bansa kungdi mapigilan ang pagdaloy ng drug money mula sa bentahan ng iligal na droga at magamit sa iba’t-ibang transaksyon.