Aabot sa mahigit Php56 million na halaga ng methamphetamine hydrochloride o shabu ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs, Philippine Drug Enforcement Agency, at Manila Container Port na nakasilid sa mga balikbayan box.
Sa ulat, nagmula sa Thailand ang mga ito na nakasilid sa mga misdeclared balikbayan boxes bilang household items, sapatos, at motorcycle parts.
Nang isailalim ang mga bagahe ng ito sa Xray scanners ay tumambad na sa mga operatiba ang mga plastic pouches na naglalaman ng shabu na nakatago sa loob ng dalawang electric fans, at limang water heaters.
Aabot sa kabuuang 8.30kg ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad na tinatayang may katumbas na halaga na pumapalo sa kabuuang Php56.40 million.
Dahil dito ay nahaharap ngayon sa mga kasong may kaugnayan sa paglabag sa Section 118 o prohibited importation and exportation, Section 1400 o misdeclaration, in relation to Section 1113 o property subject to seizure and forfeiture NG Customs Modernization and Tariff Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga consignees, senders at recipients ng naturang balikbayan boxes.