-- Advertisements --
Aabot sa P6.5 milyon na halaga ng ecstacy tablets ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).
Isinilid ang nasabing droga sa tarpaulin sheets na nanggaling umano sa bansang Germany.
Mayroong kabuuang 3,865 na mga tableta ang nakumpiska ng pinagsanib na puwersa ng BOC, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.
Iniimbestigahan na rin ng mga otoridad ang consignee ng nasabing mga nakumpiskang droga.