BOMBO DAGUPAN- Nasira ng nagdaang bagyo ang mahigit PHP 6 milyong halaga ng Solar Power Irrigation System Project na inilagay sa Barangay Inlambo sa bayan ng Mangaldan.
Pinangunahan ni Shiela Mae Gamet, Regional Agriculturist mula sa Department of Agriculture – Engineering Division kasama sina, Daisy Dela Cruz, Agriculture Technologist mula sa Municipal Agriculture Office (MAO), Dominador Garcia, Pangulo ng Inlambo Farmers Association at Michael Frianeza, caretaker ng irrigation facility ang pag-iinspeksyon at validation.
Anila, tinatayang nagkakahalaga ng PHP 1.2 million ang halaga ng repair para sa damages sa pipe at surface pump ng irrigation facility.
Samantala, nasa 40 benepisyaryong magsasaka ng irigasyon naman ang humingi ng tulong sa gobyerno para sa agarang pag-sasaaayos ng mga nasirang makinarya na umabot na sa 50 ektaryang lupain.
Tinayak naman Municipal of Agriculture na magsasagawa ng damage assessment report sa mga concerned line agencies para sa posibleng tulong pinansyal upang maipagpatuloy ang operasyon at serbisyo ng pasilidad sa mga magsasaka.