-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- – Tinatayang aabot sa P6.2 million ang halaga ng mga napinsalang bahay at ari-arian sa nangyaring pagguho ng lupa sa Sitio Barikir Yeban Norte, sa bayan ng Benito Soliven, Isabela.

Nagsagawa ng inspection nitong umaga ng Huwebes ang mga personnel ng Mines and Geo-Sciences Bureau sa pangunguna ni Jessa Amugawan sa lugar kung saan naganap na pagguho ng lupa.

Sa pulong ng MDRRMC na pinamunuan ni Mayor Roberto Lungan, pinagbawalan ang mga pamilya naapektuhan ng pagguho ng lupa na bumalik sa nasabing lugar dahil hindi na ligtas ang nasabing lugar na nasa baba ng bundok.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMajor Crismar Angelo Caselana, hepe ng Benito Soliven Police Station, sinabi niya na kung may mahalagang kukunin ng mga naaepktuhang mamamayan sa kanilang gumuhong bahay ay magpaalam sa kanila o sa mga opisyal ng barangay para sila ay masamahan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay MDRRMC head May Florence Abu, sinabi niya na inikot sila ang sitio Barikir bilang bahagi ng assessment ng MGB sa nasabing lugar.

Nagpakuha ang mga personnel ng MGB ng sample ng lupa para masuri ang texture nito maging ang rock formation sa lugar.

Kumulekta rin sila ng sample sa bahagi ng sitio Barikir kung saan nagkaroon ng pagguho ng lupa noong 2016.

Sinabi pa niya na nabigyan na ng temporary shelter sa evacuation area ang mga inilikas na pamilya na napinsala ang mga bahay sa naganap nasoil erosion.

Nagbigay na rin ng mga relief goods, hygiene kits ang MSWDO.

Sa pulong kahapon ng MDRRMC kasama ang mga pamilya sa sitio Barikir ay pinag-usapan ang long term plan para matulungan ang mga pamilya sa nasabing sitio.

Hindi na sila babalik sa nasabing lugar dahil ililipat sila sa resettlement area.

Ang dalawamput limang pamilya na nakatira sa lugar malapit sa naganap na soli erosion ay iliipat din.

Sa kabuuan ay 95 household, 120 families at 351 na individial ang nakatira sa sitio Barikir.

Taun-taun kapag may malakas na bagyo at pagbaha ay inililikas ang mga tao sa nasabing sitio.