-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para sa pagkakakilanlan ng mga cultivator ng mga marijuanang binunot at sinunog ng mga awtoridad sa Palina, Kibungan, Benguet kamakalawa.

Ayon sa Kibungan Municipal Police Station, aabot sa P624,000 ang halaga ng mga fully grown marijuana plants na binunot at sinira ng mga awtoridad.

Batay sa imbestigasyon, natagpuan din ng pulisya ang mga pinatuyong dahon ng marijuana sa plantation sites.

Ayon sa Kibungan MPS, bahagi ito ng mas mahigpit na marijuana eradication operations ng pulisya.

Gayunpaman, bigo ang pulisya na makahuli ng marijuana cultivator kaya’t ito ngayon ang kanilang tinututukan.