Mahigit P62 bilyong halaga ng Health Emergency Allowance (HEA) ang nananatiling hindi nababayaran sa mga health care workers (HCWs) na nagsilbi noong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang natitirang atraso ng departamento sa taong 2021-2023 ay nagkakahalaga ng P62.2 billion,.
Ang tinantyang halaga para sa kahilingan para sa Health Emergency Allowance ay sumasaklaw sa panahon ng Hulyo 1, 2021 hanggang Hulyo 20, 2023.
Upang mabawasan ang halagang babayaran sa mga health worker, pormal na hiniling ng DOH noong Setyembre sa Department of Budget and Management (DBM) ang halagang P25.9 bilyon.
Ang DBM naman noong Oktubre ay naglabas ng P4 bilyon para sa pagbabayad ng nasabing allowances.
Ito ay umaabot sa 16 porsiyento ng hinihiling na halaga ng DOH, kaya kulang pa rin sa pagtupad sa buong kahilingan sa pagpopondo mula sa mga operating unit.
Sa ngayon ay naiutos na ng DOH ang paglipat ng pondo ng P4 bilyon sa mga kinauukulang regional offices, ospital at healthcare facilities para sa tamang pamamahagi ng pondo.