-- Advertisements --

Inihahanda na ng Bureau of Customs ang kaso laban sa ilang negosyante na nahulian nilang nagbebenta ng mga pekeng produkto sa dalawang malls ng Divisoria sa Maynila.

Nitong Miyerkules ng lusubin ng BOC ang nasabing malls at nakumpiska nila ang ilang mga counterfeit na produkto mula sa bags, relo, sapatos, pabango, laruan at maging mga gamot na nagkakahalaga ng aabot sa P7-bilyon.

Ayon sa National Committee on Intellectual Property Rights (IPOPHL) na natukoy nila ang mga lugar base na rin sa ulat na inilabas ng US Trade Representatives (USTR) na pinagmumulan ng mga counterfeit products.

Inimbitahan na rin nila ng mga brand representatives na siyang susuri kung tunay ba o peke ang nasabing mga kagamitang nakumpiska.

Sakaling mapatunayang peke ay agad na sisirain ng DMW ang mga ito.

Nanawagan na lamang ang National Committee on Intellectual Property Rights (IPOPHL) na huwag tangkilikin ang mga pekeng produkto dahil ito ay sumisira sa ekonomiya ng bansa.