-- Advertisements --

NAGA CITY- Tinatayang aabot sa mahigit kumulang P80,000 ang nasamsam sa maglive-in partner sa ginawang buy-bust operation sa Barangay Bagasbas Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Karen”, 32-anyos, residente ng Barangay Alawihao at alyas “Inggo”, 30 anyos, residente ng Barangay Magang, sa nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office, nabatid na nasamsam kay alyas Inggo ang 10 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu at may bigat na 10-gramo.

Nabatid na kabilang sa Regional Recalibrated Data Base on Illegal Drugs si alyas “Karen” habang kasama naman sa “Ready for Listing” sa pagtutulak ng ilegal na droga ang partner nito.

Agad naman na naaresto ang mga suspek na posibleng maharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.