-- Advertisements --
cropped LTFRB office 2

Umabot na sa P860,977,500 na kabuuang halaga ang nailabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng bagong rollout ng fuel subsidy program.

Ang naturadng pondo ay unang nai-download sa banko ng pamahalaan na siyang nagdi-distrubute sa mga benepisyaryo.

Umabot na rin 92,755 units ng mga pampublikong sasakyan ang nakatanggap ng tulong-pinansyal.

Ito ay katumbas ng P605,186,000 na halaga ng tulong pinansyal na una nang naipamahagi sa mga tsuper at mga operators.

Ayon sa LTFRB, magtutuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga operators at tsuper, sa gitna pa rin ng mahabang panahon na tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Maalalang umangat ang presyo ng produktong petrolyo sa loob ng 11 magkakasunod na linggo na unang nagsimula noong buwan ng Hulyo, 2023.