Matagumpay na nakumpiska ng Bureau of Customs , Sub-Port ng General Santos, ang 17,000 reams ng isang brand ng sigarilyo at tatlong close van na sasakyan na may tinatayang kabuuang halaga na Php 9,100,000.00.
Ang naturang operasyon ay nangyari sa Brgy. Bawing,General Santos City.
Ito ay naging matagumpay dahil sa koordinasyon ng Customs Intelligence Investigation Service at Enforcement Security Service ng kawanihan , sa pakikipagtulungan narin sa Task Force Gensan Bawing Detachment at Intelligence Operatives ng Armed Forces of the Philippines .
Ang mga nakumpiskang item ay bilang bahagi pa rin ng kampanya ng kawanihan laban sa mga smuggled na sigarilyo.
Kasunod ng pagkakasamsam, inirekomenda naman ang isang warrant of seizure and detention (WSD) para sa mga nakumpiskang produkto.
Samantala, inihahanda na rin ang mga kaukulang kasong kriminal laban sa mga kinilalang responsableng indibidwal.