-- Advertisements --

KALIBO, Aklan— Nasa 1,300 mga pulis ang nakadeploy sa buong lalawigan ng Aklan upang magbantay sa halalan na isasagawa sa araw ng Lunes, Mayo 13.

Ayon kay P/Major Bernard Ufano, hepe ng Provincial Intelligence Branch (PIB)-Aklan, dalawang uniformed police personnel ang nakatakda sa bawat polling centers na may kabuuang 560 clustered precincts sa 17 bayan na mayroong 390,653 registered voters sa buong lalawigan.

Maliban dito, nakastandby na rin aniya ang mga miyembro ng 12 Infantry Batallion (IB) ng Philippine Army sa Camp Jismundo, Libas, Banga, Aklan na dagdag sa pwersa ng mga pulis na magbabantay sa seguridad ng mga botante at gayundin ng mga guro na mangunguna sa eleksyon.

Samantala, nananatiling nasa ilalim ng category green ang buong lalawigan ng Aklan.