KALIBO, Aklan – Sisimulan sa Marso 10 ang pagbabakuna sa lalawigan ng Aklan matapos na dumating ang unang batch na 2,420 vials ng Coronavac na ipinadala ng pamahalaan sa Department of Health (DOH) Region 6.
Sa pagdating ng mga bakuna gamit ang sasakyan ng PDRRMO mula sa siyudad ng Iloilo, agad itong ipinasok agad ito sa cold storage room ng Aklan Provincial Hospital at nagsagawa ng inventory.
Ayon sa Provincial Health Office (PHO)-Aklan, isasagawa bukas hanggang Marso 12, 2021 ang unang roll out ng bakuna laban sa Covid-19 sa Gov. Augusto B. Legaspi Sports and Cultural Center sa Kalibo, Aklan, kung saan ang mga medical frontliners ng provincial hospital at iba pang pribadong ospital ang unang tatanggap ng bakuna na gawa ng Sinovac Biotech ng China.
Ang kalahati ng doses ng bakuna ay mananatili sa cold storage facility na gagamitin para sa pangalawang shots makalipas ang 28-araw.
Nabatid na noong Marso 5, tinanggap ni DOH regional director Dr. Emilia Monicimpo ang nasa 16,880 doses ng unang batch ng CoronaVac vaccines para sa 8,438 frontline health workers sa buong Western Visayas.