KALIBO, Aklan— Sinalubong ng Ati-Atihan festival tribe ang mahigit sa 3,000 pasahero na bumaba mula sa dumaong na AIDAStella cruise ship ng Costa Cruise Lines sa isla ng Boracay.
Ito ang unang international cruise ship sa siyam na inaasahan ng lokal na pamahalaan na bibisita sa Boracay ngayong taon.
Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office, may ginanap na traditional Exchange of Plaque ceremony sa loob ng cruise ship upang lalo pang pagtibayin ang collaboration sa gitna ng kumpanya at lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan.
Kaugnay nito, hindi nagpatumpik-tumpik ang mga dayuhang turista na magala ang buong isla.
Maliban rito, hindi rin nila pinalampas ang nanghihikayat na asul na tubig-dagat kung saan, halos ilang oras ang mga ito nanatili sa white long beach ng Boracay.